3rd batch pinoy repatriates mula Gaza, nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa bansa ang ikatatlong batch na mga Pinoy Repatriates mula Gaza na binubuo ng labing-apat na Filipino National at anim na Palestinian

Nasa apat na pamilya na binubuo ng 20 indibidwals ang tinulungan ng gobyerno ng Pilipinas na mailikas sila mula gaza.

Gaya na lamang ni Revelina,anim silang miyembro ng pamilya kasama ang kanyang asawang palestino ang tinulungan ng pamahalaan na maiuwi sa bansa

Ayon sa kanya mula abu dhabi lumipat sila ng gaza at nanirahan ng 11 taon

Dahil sa matinding kaguluhan doon nagdesisyon sila umuwi ng Pilipinas kasama ang kanyang pamilya

Labis naman ang pasasalamat niya sa tulong ng gobyerno ng pilipinas na nakauwi na sila sa bansa

Yun nga lamang wala silang matutuluyan sa Pilipinas

Tubong la Union si Revelina pero aniya wala na syang kamag-anak na pwde niyang matuluyan dahil may kanya kanya na silang pamilya

Ayon naman kay DFA Asec.Robert Ferrer tutulungan ng Pamahalaan na mabigyan ng masisilungan ang naturang pamilya.

Makikipagugnayan din sila sa Local Government Unit para matulungan sila .

Ayon sa dfa may panibagong batch pa na mga pinoy repatriates ang inaasahang darating araw ng miyerkules

Posted in OFW

Cherry Ilaw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

OCD, UBE Express ink MOA to strengthen emergency comms

Wed Nov 15 , 2023
To strengthen collaboration with the private sector in disaster risk reduction and management (DRRM), the Office of Civil Defense (OCD) has signed a memorandum of agreement (MOA) with UBE Express Inc. The MOA aims to utilize UBE Express’s Rapid Radio Support Vehicle (RRSV) to enhance the emergency communications capabilities of […]

You May Like

Like us on Facebook