Nasa kustodiya na ng NAIA PDEA-IADITG ang babaeng claimant ng apat na parcel na naglalaman ng higit sa 32 kgs na hinihinalang shabu mula Zimbabwe.
Ang babaeng claimant na kinilalang si Christine Tigranes ay inaresto kagabi sa isang warehouse sa NAIA complex matapos niyang i-claim ang parcel kung saan nakalagay ang bulto bultong shabu.
Natuklasan ng Bureau of customs at NAIA-PDEA ang laman ng apat na parcel na ideklarang machinery muffler matapos dumaan sa x-ray machine at physical examination kung saan inilagay sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang 32.13 kgs na hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa 218.484,000 million ang halaga nito.
Depensa ng suspect inutusan lang daw siya ng kanyang boss para Kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe ng bansang Africa.
Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu sinu ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga illegal na droga papasok sa bansa.
Nahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa RA act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.