Inaresto ng mga tauhan ng PNP aviation security group at NAIA PDEA-IADITG ang Isang babaeng tattoo artist sa final security check point sa Ninoy Aquino international Airport NAIA terminal 3 matapos makuhanan ng illegal na droga.
Sa report ng NAIA PDEA-IADITG papaalis ang dalawang pasahero mula Barangay Pinsao Proper Baguio City, Benguet patungong Kota Kinabalu sakay ng air Asia flight nang makita sa x-ray machine sa final security check ang Isang Swiss Knife at gunting kasama ang Isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nabatid na lalaban sana sa competition ang babaeng tattoo artist na si JASMINE ADAOAL 26 years old sa Malaysia subalit naharang ito sa airport matapos makuha sa kanya ang tinatayang 3.8 grams na marijuana na may standard drug price Php456.00.
Mahaharap ang pasahero sa kasong paglabag sa Section 26 in relation to Sec 5 Art. II ng RA 9165.