Hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok sa bansa ang isang convicted American sex offender at isang Turkish fraudster.
Sa report ng immigration ang mga pasaherong hinarang sa NAIA terminal 3 na sina Michael David Steinborn, 57, American National at Amol Awasthi, 48 yrs old Turkish National.
Si Steinborn ay naharang noong dumating siya ng November 26 sakay ng United Airlines flight mula San Francisco habang si Awasthi ay naharang kinabukasan pagkatapos niyang dumating sa NAIA sakay ng Emirates flight mula sa United Arab Emirates.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa ay tinanggihan na makapasok sa bansa dahil sila ay itinuring na banta dahil sa kanilang mga Criminal rekord.
Si Steinborn ay isang registered sex offender (RSO) at siya ay na-excluded, batay sa isang probisyon ng batas na nagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan na nahatulan ng krimeng may kinalaman sa moral turpitude, kung saan siya nahatulan sa Kissimmee, Florida noong 1994 na itinuturing na isang Tier 1 offender.
Si Awasthi naman ay subject ng isang Interpol blue notice na inisyu noong nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot sa transaksyon ng mga pangloloko sa gobyerno ng India.