Mabilis na pagproseso sa mga pasahero sa NAIA mula sa ibang bansa tiniyak ng Bureau of Immigration

Tiniyak ng Bureau of Immigration ang mabilis na pag proseso sa mga pasahero sa Ninoy Aquino international airport NAIA.

Ito ang pahayag ni BI commissioner Norman Tansinco kasunod ng Isang post sa tweeter na mahabang pila ng mga pasahero sa immigration counter.

Sa post, inireklamo kasi ng isang netizen ang mahabang pila ng umaga kahapon February 19 sa immigration counter matapos lumapag ang kanyang flight sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Tansingco, ang mahabang pila ay inaasahan dahil dumating ang 8 flight lulan ang halos 1,800 kabuuang pasahero sa parehong oras.

Nilinaw ni Tansingco na sa kabila ng mahabang pila ay mabilis na naproseso ang mga pasahero sa loob ng 40 minuto.

Kabilang sa mga flight na ito ay ang mga eroplanong nagdadala ng maraming pasahero na nagmumula sa Vancouver, San Francisco, at Los Angeles.

Dagdag pa ng opisyal lahat ng mga counters at e-gates na nakalaan sa mga pilipino passports ay parehong gumagana sa NAIA terminal 1.

Tony Gildo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

CEB signed MOU with Pratt & Whitney

Tue Feb 20 , 2024
Cebu Pacific (CEB) signed a memorandum of understanding with Pratt and Whitney (P&W) to provide the Philippines’ leading carrier with engines for 15 narrowbody jets for the A320/A321 family of aircraft to support its operational resiliency and capacity. The 15 narrowbody jets were a part of the order made in […]

You May Like

Like us on Facebook